DAGUPAN CITY- Muling isusulong nng mga manlalaro mula sa Uminagn ang bandera ng Region 1 sa nalalapit na Palarong Pambansa sa ika-sampung pagkakataon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Eusebio Solis, Umingan Volleyball Boys Coach ng Umingan Natioal High School, ang kanilang pagrepresenta ay bunga ng matinding pagsisikap ng mga atleta at coaches sa kabila ng mga hamon.

Aniya, hindi naging madali ang paghahanda, lalo na kung walang in-house training na nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng 100% potensyal ng bawat manlalaro.

--Ads--

Sa mga susunod na araw, sasabak na ang mga batang atleta sa kanilang laban, at kampante si Coach Solis na handang-handa ang kanyang koponan.

Bagamat matitindi ang mga makakatunggali tulad ng NCR at CALABARZON, positibo siyang maipapakita ng Region 1 ang galing at disiplina ng kanyang mga manlalaro.

Bilang mensahe sa kanyang mga atleta, pinaalalahanan ni Coach Solis ang kahalagahan ng pagtingin sa bawat laro bilang oportunidad para magpakitang-gilas at mas lalo pang paghusayan ang kanilang laro.

Nagpapasalamat din siya sa lahat ng suportang kanilang natatanggap.