DAGUPAN, CITY— Hindi inasahan ng mga mamamayan sa Myanmar ang tuluyang pagpasok ng mga militar sa pamumuno sa kanilang bansa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Atty. Jobert Pahilga, mula sa nasabing bansa, kanyang sinabi na bagaman may mga umuugong na balita ng kudeta noong nakaraang linggo, ay hindi umano sila naniniwala na gagawin iyon ng kanilang militar sapagkat naging maayos naman ang naging resulta ng kanilang eleksyon noong Nobyembre 2020.

Gulat umano ang lahat dahil noong lunes ay tuluyan na itong nagawa ng kanilang mga sundalo.

--Ads--

Nag-ugat umano ang pagkakaroon pag-aresto sa mga opisyal sa kanilang bansa dahil sa hindi umano nila pag-iimbestiga sa umano’y massive electoral fraud sa kanilang nakaraang eleksyon sa kadahilanang naging landslide naman umano ang boto ng NLB at wala umano silang nakikitang pandaraya roon.

Tinig ni Atty. Jobert Pahilga

Magkahalo din umano ang galit at takot ng mga mamamayan doon dahil sa naturang pangyayari.

Sa katunayan, nagsasagawa ng malawakang online protest ang mamamayan sa nasabing bansa upang tutulan ang nangyaring pagdakip sa mga matataas na lider ng kanilang bansa, kabilang na dito ang civilian leader na si Aung San Suu Kyi.

Karamihan din umano sa mga manggagawa mula sa gobyerno, at maging sa mga ospital ang hindi pumasok sa trabaho upang ihayag ang kanilang pagtutol sa ginawang hakbang ng mga militar bilang parte ng civil disobedience movement.

Sa ngayon, halos lahat umano ng mga mamayan doon ay ayaw munang lumabas ng bahay upang magprotesta.

Tinig ni Atty. Jobert Pahilga

Hiling nila na hindi ito maging rason ng mga militar upang mas pag-igtingin ang kanilang kapangyarihan at para hindi na maulit ang nangyaring massacre noong 1988.