Dismayado ang mga mamamayan sa Amerika dahil sa naganap na riot at protesta sa Capitol Hill sa linggong ito.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Harold Helm, isang residente mula sa
Texas, USA kanyang sinabi na dahil sa kaguluhang naganap sa nasabing bansa, ay marami ang nanlumo sa sinapit ng mga nakilahok sa nasabing kaguluhan.
Bagaman hindi nito nagustuhan ang ginawa ng kapwa niya na mga Amerikano, ayaw naman nitong husgahan ang kabuuang mga tagasuporta ni outgoing US President Donald Trump sapagkat hindi naman umano lahat ng mga ito ay gusto ng karahasan at kaguluhan.
Kanya lamang din ikinakabahala ang mga ginagawa ng kanilang mga opisyal lalo na sa usapin ng sensorship at sa transition ng susunod na mamumuno sa kanilang bansa.
Aniya, mas maigi sana na matanggal na ng kanyang mga kababayan ang political color na kanilang ipinaglalaban at mas maigi na manindigan sa kalayaan at soberanya ng kanilang bansa.
Ngunit sa kabila umano ng mga kaguluhan, sa huli pa rin ay susuporta pa rin sila sa uupong lider ng kanilang bansa.