Nagkaroon muli ng panic buying sa Saudi Arabia sa gitna ng covid -19 pandemic.
Ayon kay Bombo International correspondent Lawrence Valmonte, kumalat kasi ang balita na ibabalik ang 24 hour lockdown sa darating na Mayo 12.
Gayunman sa kabila nito ay nasusunod pa rin ang social distancing sa mga tindahan.
--Ads--
Dagdag pa niya na patuloy na tumataas ang kaso ng covid 19 sa Saudi.
Matatandaan na nagpatupad na ang Saudi Arabia ng lockdown sa Capital City nito na Riyadh.
Pinagbawalan ang mga residente na lumabas ng kanilang bahay para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang din sa isinailalim sa lockdown ay ang Islamic Holy Cities na Mecca at Medina.
Pero inalis ang lockdown para na rin sa mga Muslim sa panahon ng Ramadan.