Umaasa ang mamamayan ng Japan na malalampasan ni dating Foreign Minister Fumio Kishida bilang bagong lider ng Japan ruling Liberal Democratic Party ang serbisyo ng mga dating namuno na. inaasahan nila sa susunod na prime minister ng Japan.
Ayon kay Myles Briones Beltran, bombo international correspondent sa bansang Japan, sinabi ng mga kabataaang mamamayan doon na kahit sino ang umupo basta ang hiling nila ay pagbutihin pa ang kanilang pamamahala.
Mistulang hinahanap umano ng mga mamamayan doon ang dating istilo ng pamumuo ng mga naunang prime minister.
Giit nila na dapat gampanan ang kanilang tungkulin para sa kaligtasan ng mga Hapones.
Dahil pandemya, ang panawagan nila sa bagong pinuno ay pangalagaan ang kanilang kalusugan dahil sa nakakatakot at nakamamatay na virus.
Una rito, napili si dating Foreign Minister Fumio Kishida bilang bagong lider ng Japan ruling Liberal Democratic Party.
Papalitan ni Kishida si Prime Minister Yoshi-hide Suga na una ng nagpahayag na hindi na ito tatakbo para sa reelection bilang leader ng partido.
Si Kishida na ang ika-100 prime minister sakaling magsagawa ng extraordinary session ang parliament sa October 4.