Hati ang mga mamamayan ng Amerika at mga Fil AMerican sa kanilang iboboto sa darating na US presidential election.

Ayon kay Jeffrey Cabello mula sa San Jose California, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, naobserbaan nito na bagamat marami ang pro Biden ay marami rin umano ang may gusto kay Trump dahil sa pagdami ng job opportunities sa kanyang termino.

Pero malaki naman aniya ang kaibahan ng halalan sa Pilipinas at doon dahil sa gitna ng mainit na labanan nina Donald Trump at Joe Biden ay normal lang ang buhay ng mga mamayan sa Amerika. Wala siyang makitang banner ng magkabilang partido.

--Ads--

Puro trabaho rin umano ang inaatupag ng halos lahat ng pilipino doon at ang mga may edad na ang mas intresado sa pulitika.

Jeffrey Cabello mula sa San Jose California, USA

Si Cabello ay 15 taon nang nananatili sa Amerika. Para sa kanya ay hindi pa siya nagdidsisyon kung sino ang kanyang iboboto.