DAGUPAN CITY- Nasa mahigit tatlong milyon ang naitalang registered voters ayon sa Commission on Elections (COMELEC) sa buong rehiyon uno.

Ayon kay Atty. Reddy Balarbar, Assitant Regional Director ng COMELEC Region 1, ang lalawigan ng Pangasinan ang mga pinakamalaking bilang ng mga botante.

Aniya, dahila sa papalapit na halalan ay magsasagawa ang COMELEC ng clean up drive kung saan tatanggalin ang mga malalaking campaign posters bago magsimula nag halalan.

--Ads--

Samantala, mahigpit din pinapinalalahan ng opisina ang mga tatakbong kandidato na huwag maglalagay ng mga campaign materials sa mga undesignted areas.

Sa ngayon ay wala pang naitatalang anomang hindi kaaya-ayang mga gawain ukol sa mga malpractice sa eleksyon.