DAGUPAN CITY- Ikinaalarma ng Katipunan ng mga Artisanong Mangingisda sa Pilipinas ang posibleng pagpasok ng mga malalaking bangka sa ilang katubigan sa bansa na maaaring sumira sa mga yamang dagat.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Ballon mula sa Katipunan ng mga Artisanong Mangingisda sa Pilipinas, nagulantang ang grupo dahil sa pahayag na gustong pagpahintulang pumasok ang mga malalaking bangkang pangisda sa ilang bahagi ng katubigan.

Aniya, nakababahala ito dahil kumg maipasa ito ay maaaring magdulot ito ng chaos o kaguluhan at panganib.

--Ads--

Dagdag niya, palaging nagbibigay ng update at panawagan ang grupo upang magbigay ingat at askyon sa mga nangyayaring isyu sa katubigan.

Sa ngayon ay umaasa pa rin ang grupo na maging ayon sa nakabubuti ang lahat ng pangyayari sa hinaharap.