Parehong naghain ng not guilty plea ang mag-asawang James at Jennifer Curmbley, ang mga magulang kinse-anyos na suspek na namaril sa loob ng paaralan sa Michigan na ikinasawi ng 4 katao habang pito ang nasugatan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Estela Fullerton sinabi nitong sa ngayon ay hawak na ng otoridad ang magasawang Crumbley matapos silang hindi makadalo sa pagdinig sa kasong apat na counts ng involuntary manslaughter.

Matatandaan na noong nakaraang Biyernes ay inihain ang naturang mga kaso laban sa magulang ng 15 anyos na si Ethan Crumbley dahil sa kanilang “egregious” acts sa pagbili ng baril noong Black Friday na ginamit ng kanilang anak sa pamamaril sa Michigan high school at Oxford high school.

--Ads--

Dagdag rin ni Fullerton na idinaing umano ng naturang mag-asawa na sila ay natakot sa kanilang buhay matapos maging malaking usapin ang nangyaring insidente.

Aniya, malaki sana ang maitutulong ng pagamyenda ng batas ukol sa pagaangkin ng mga baril upang maiwasan ang ganitong uri ng mga insidente.