DAGUPAN CITY–Hinihikayat ng DepEd Region 1 ang mga magulang na may mga agam-agam pa rin na samantalahin ang higit isang buwan na naidagdag bago magsimula ang pasukan ngayong taon na i-enroll ang kanilang mga anak.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cesar Bucsit, Spokesperson ng DepEd Region 1, siniguro nito na binibigyang halaga ng kanilang hanay ang safety measures ng kanilang mga anak hinggil pa rin sa dinaranas na pandemyang COVID-19.

Matatandaan na sakali naman aniyang hindi makapunta ang mga magulang sa eskwelahan ay nakipag ugnayan na rin ang kanilang tanggapan sa mga LGUs na sila ay magiging parte at tutulong sa pagbibigay ng mga modules kasama ang mga guro.

--Ads--

Samantala sa ngayon ay wala pa umanong specific na petsa kung kailan sisimulan ang pagdidistribute ng modules ng mga mag-aaral.

Mr. Cesar Bucsit, Spokesperson – DepEd Region 1