Hati ang opinyon ng mga magulang at mga guro sa pagsasagawa ng face to face classes sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay ACT Partylist representative France Castro, Kung kumpara sa face to face classes sa blended learning ay mas pabor ang mga karamihang guro sa face to face classes.

Maganda rin naman aniya ang blended learning basta kumpleto sa gadget ang mga guro at estudyante at may internet access.

--Ads--

Samantala, pinabibilisan ni Castro ang pagpapa bakuna sa mga kabataan.

Pinaninibilisan din niya ang vaccination rollout sa mga guro.

Sana maging agresibo aniya ang DEPED para mabakunahan lahat ng guro at mag aaral para mapagtagumpayan ang hangarin at para na rin sa kanilang kaligtasan.

Dagdag pa nya na tiyakin na masunod lahat ng guidelines lalo na ang health protocols.

ACT Partylist representative France Castro

Ang pilot implementation ng face-to-face classes ay ipatutupad sa loob ng dalawang buwan.

Sinasabing target ang pagsisimula nito sa November 15, 2021.