Dumadaing na ang mga magtitinapay sa bansa sa napakataas ngayon ng presyo ng mga raw material na ginagamit sa paggawa ng tinapay .

Ayon kay Chito Chavez, Presidente ng Panaderong Pilipino & Owner of Tinapayan Festival, ang isa sa napakalaking pangamba nila ay ang pagbaba ng piso at pagtaas ng dolyar.

Sinabi ni Chavez na halos lahat ng ginagamit nilang raw material sa paggawa ng tinapay ay pawang mga imported at binibili ng dolyar gaya ng harina, mantika, yeast, powder milk, butter at iba pa.

--Ads--

Dahil dito hirap na hirap ang mga maliliit na panadero. Takot naman silang magtaas ng presyo ng pandesal sa pangambang baka lumipat sa ibang bakery na nag-aalok ng mas mababang presyo ang kanilang mga customer.

TINIG NI CHITO CHAVEZ

Una rito ay inihayag ng Philippine Association of Flour Millers Inc. (PAFMIL) na inaasahang tataas ang presyo ng lokal na harina dahil sa mas mataas na presyo ng trigo sa global market.