Dagupan City – Tumanggap ng libreng fertilizer ang mga magsasaka sa Mapandan, Pangasinan bilang dagdag na suporta sa kanilang produksyon at kabuhayan.
Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office o MAO, sa pamumuno ni Melvin Villanueva.
Ang mga fertilizer ay mula sa Department of Agriculture–Regional Field Office One at ipinamahagi sa mga magsasaka bilang suporta sa kanilang pangangailangan sa pagsasaka.
Layunin ng programa na makatulong sa gastusin ng mga magsasaka at mapalakas ang produksyon ng mga pananim sa bayan.
Patuloy naman ang suporta ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Karl Christian F. Vega, sa mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, inaasahang madaragdagan ang suporta sa mga magsasaka at matutulungan silang mapanatili ang kanilang produksyon.










