Aminado si Saturnino Distor , Provincial President ng Federation of Free Farmers na posibleng maubusan na ng magsasaka sa bansa kung hindi na tuluyang ipatigil ang implementasyon ng Rice Tarrification law sa bansa .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Distor sinabi nito na marami na ang mga magsasaka na nagsasanla ng kanilang lupain at bukid dahil sa pagkalugi sa pagbebenta nila ng palay na binibili na lamang sa maliit na halaga na umaabot sa P14.50 kada kilo.

Maging ang pagtatanim ng mais ay halos ayaw na rin nilang gawin dahil sa isyu ng African Swine Fever. Wala na rin aniya ang gaanong bibili nito kayat magiging dahilan lang din ng pagkalugi.

--Ads--

Kapag ito aniya ay nagpatuloy ay mamamatay na ang industriya ng pagsasaka at wala ng magtatanim ng palay.

Kapag kasi inantay din nila ang sinasabing magandang epekto ng RTF ay baka magutom na ng tuluyan ang kanilang pamilya.