DAGUPAN CITY- Puspusan na ang isinisagawang Sattelite registration sa bayan ng Lingayen dahil nalalapit na din ang deadline ng pagpaparehistro ng mga botante, sa Setyembre 30.
Ayon kay Reina Ferrer, Commission on Election Officer sa naturang bayan, dumadami na din ang mga nagpaparehistro noong mga nakaraang araw kung saan nasa tinatayang 3,000 ang bilang ng mga registration application.
Nagpapatuloy pa din ang kanilang Registration Everywhere Program kung saan sinagawa nila ang sattelite registration sa Pangasinan Provicincial Development Training Center noong nakaraang linggo.
Ani Ferrer, nasa tinatayang 80% na ang kanilang mga napupuntahan lugar upang magsagawa ng registration.
At binabalak nilang tapusin ang 5 pang natitirang mga lugar na hindi pa nila napupuntahan. Inaasahan nilang dadagsain pa ito dahil sa papalapit nang pagtatapos ng registration period.
Gayunpaman, wala din silang naging problema sa mga nakaraang registration.
Samantala, marami din silang mga nadeactivate na registration records ng mga indibidwal na hindi nagawang makaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Inabot umano sa 3,000 mga records ang kanilang nadeactivate sa lungsod ng Lingayen.
Subalit, mayroon din aniyang mga nagparehistro muli upang makaboto sa susunod na eleksyon.