Kasalukuyan nang isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 reading tutorial program sa 32 pampublikong paaralan sa Lingayen upang tulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa.

Bukod sa pagtuturo ng mga tutors at Youth Development Workers, mahalaga rin ang papel ng mga magulang at guro sa pag-unlad ng pagbabasa ng mga kabataan.

Sa ganitong paraan, mas napapalakas ang suporta sa mga kabataan upang sila ay makapagbasa nang may kumpiyansa at kasanayan.

--Ads--

Ang reading tutorial session sa Pangasinan ay gaganapin sa loob ng 20 araw at magtatapos sa Hulyo 12.

Layunin ng programa na mapaunlad ang kasanayan sa pagbabasa ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon. Sa pagtatapos ng programa, inaasahang mas mapapalakas ang pagbabasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.