Dagupan City – Nagsimula nang umarangkada ang Bakuna Eskwela 2024 ng Department of Health sa mga paaralan tulad na lamang sa bayan Infanta.

Kung saan sinumulan ito sa pamamagitan ng isang makulay at matagumpay na kickoff event na ginanap sa Infanta Integrated School. Mula naman sa Grade 1 at Grade 7 gamit ang mga bakunang MR (Measles-Rubella) at Td (Tetanus-Diphtheria), gayundin ang mga babaeng estudyante sa Grade 4 laban sa HPV (Human Papillomavirus) upang bigyan sila ng proteksyon mula sa cervical cancer ang matagumpay na nabakunahan.

Ang aktbidad ay pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) at katuwang ang mga pampublikong paaralan sa pagtutok upang maprotektahan ang kalusugan ng mga mag-aaral. Gyaundin ang buong suporta ng mga magulang para sa pagbabakuna ng kanilang anak.

--Ads--

Layunin ng bakuna eskwela 2024 na maprotektahan ang bawat kabataan sa mga mapanganib na sakit at ito ay kamapnya tungo sa masigla at malusog na kumunidad. (Aira Chicano)