DAGUPAN CITY- Matagumpay na isinagawa ang Closing Ceremony ng Police Community Academy ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) nitong araw ng sabado, Marso 01, 2025.
Ang seremonya ay ginanap sa Pangasinan Police Office Camp na dinaluhan ng mga mag-aaral, at mga opisyal ng kapulisan sa buong lalawigan at kinatawan mula sa iba’t-ibang departamento
Ayon kay PBGen. Lou Evangelista, Regional Director ng Police Region 1, ang araw na ito ay hindi lamang ang pagtanggap ng certificates kundi ito ay pagdiriwang din ng panibagong commitment at ang mga natutuhang nakuha sa police community academy ng mga mag-aaral sa buong lalawigan.
Nasa kabuuang 1370 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang nakapagtapos sa naturang programa. Ang mga mag-aaral ay dumaan sa serye ng mga pagsasanay na layong mapalawak ang kanilang kaalaman at paghubog sa mga usapin ng seguridad at komunidad.
Ang mga kalahok ay nakumpleto ang 52 oras na training sa loob ng ilang linggong programa. Ang mga sesyon ay ng training ay nasa iba’t ibang aspeto ng public safety, disaster response, at community service.
Samantala, isa si Rasheedah sa mga nakilahok sa Police Community Academy ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO). Ayon sa kanya, bilang isang criminology student mula sa lungsod ng Alaminos, malaking bagay aniya ang mga pinagdaanan niya sa training na ito para sa kanyang pag-unawa sa mga aspeto ng pagiging isang lider, lalo na sa larangan ng seguridad at serbisyo publiko.
Dagdag niya mas nahubog ang kanyang kaalaman sa kahalagahan ng pagiging isang lider kung saan ang kanilang pinagdanan ay hindi lamang nakatutok sa pagpapalawak ng kaalaman kundi pati na rin sa pagpapalakas ng samahan.