Dagupan City – Naghatid ng kasiyahan ang ilang mga senior citizen sa bayan ng San Nicolas sa isinagawang Senior Citizens’ Day 2025.

Bahagi ito ng Grandparents week na ginaganap tuwing March 11 hanggang March 18. Tampok dito ang patimpalak na Guwapong Lolo at Gandang Lola 2025 pageant na siyang naging highlight sa okasyon. Napuno ang lugar ng tawanan at kagalakan kung saan dinaluhan din ito ng ilang opisyal sa bayan. Nakisaya din sa entablado ang mga nanalo noong 2024 bilang Mr. And Mrs. Senior Citizen 2024. Itinanghal na

Guwapong Lolo 2025 si Mr. Jaime Ladines mula sa San Rafael District, na umani ng papuri dahil sa kanyang karisma at kapogian.

--Ads--

Samantala, kinoronahan namang Gandang Lola 2025 si Mrs. Gorgonía Mejia ng barangay Sta. Maria East na siyang hinangaan dahil sa kanyang natural na ganda, talento, at istilo. Bukod sa nasabing kaganapan, nagkaroon din ng raffle draw sa mga ito na siya namang ikinatuwa ng mga dumalo lalo na ang mga pinalad na nanalo.

Ang Senior Citizens’ Day 2025 ay isang matagumpay na pagdiriwang ng buhay, pagkakaibigan, at pagpapahalaga sa mga senior citizen.