Pinapatay ng importasyon ng bigas at nangyayaring smuggling ang mga local farmers sa bansa.

Ito ang tinuran ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agricultura (SINAG) dito sa lalawigan ng Pangasinan, kaugnay sa pagbaha ng mga imported na bigas at talamak na smuggling ng mga produkto sa bansa.

Sinabi ni So na kaya hindi tumataaas ang presyo ng palay ng mga magsasaka ay dahil sa pagbaha ng mga imported na bigas at smuggled na mga produkto.

--Ads--

Kinuwestyun ni So ang sinasabi ng DA na mataas ang rice production ng bansa pero base naman sa rekord ng Bureau of Customs ay aabot ng ilang milyong metric tons ng bigas ang pumasok na sa bansa.

Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agricultura (SINAG)