BOMBO DAGUPAN – Dapat na tignan kung nasa maayos na kondisyon ang mga laptops na natuklasang nakaimbak sa mga bodega na laan sana para sa mga guro at mga paaralan.

Ayon kay Benjo Basas, Chairperson, Teacher’s Dignity Coalition, sa sobrang tagal nang nakaimbak sa warehouse ay baka hindi na mapakinabangan.

Nabatid na nasa bodega lamang ang mga ito at hindi pa nagagamit.

--Ads--

Giit ni Basas na kailangan ng bawat indibidwal na guro ang laptop kaya marapat na masigurong gumagana pa ang ipapamahaging laptop sa mga ito.

Nabatid na sinimulan na umano ng Department of Education ang paglabas sa mga na lumang laptop mula sa mga bodega nito para sa tuluyang distribusyon sa iba’t-ibang opisina nito.

Una rito ay kinumpirma ni Education Secretary Juan Edgardo Angara sa Senado na nailabas na sa bodega ang 50 porsyento na ng mahigit 1.5 milyong laptops na nakaimbak ng may apat na taon o mula pa noong 2020.

Nabatid na hindi naideliver ng logistics company na Transpac ang mga gamit dahil nagkaroon ng alitan sa mga supplier’s ng laptops at iba pang kagamitan.