DAGUPAN CITY- Kailangang magsumite ang mga kumpanya ng kanilang Annual Financial Statements sa Securities and Exchange Commission (SEC) dahil bahagi ito ng kanilang responsibilidad.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Helen Veryan Valdez, Information Officer II ng Securities and Exchange Commission (SEC) Baguio Extension Office, tuloy-tuloy ang pagtanggap ng kanilang opisina ng mga ulat para sa filing.
Aniya, nagsimula na ang pagtanggap ng mga kaukulang dokumento, kabilang ang annual financial statements mula sa mga kumpanya.
Dagdag niya, may karampatang multa ang hindi pagsusumite ng financial statements sa itinakdang oras, kaya’t hinihikayat ang lahat na magpasa agad upang makaiwas sa penalty.
Muling pinaalalahanan ang mga kumpanya na ito’y bahagi ng kanilang tungkulin bilang responsableng organisasyon.