Nilinaw ng Commission on Election o Comelec Dagupan na walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon kung saan hindi makakaboto ang isang botante kung walang dalang nationa id sa mismong araw ng halalan.
Ayon sa naging panayam kay Atty. Micahel Franks Sarmiento ang siyang Comelec officer ng tanggapan na maging mapanuri sa mga impormasyon na kumakalat atnababasa lalong lalo na maraming mga fake news o mga maling impormasyon ang kumakalat sa panahon ngayon.
Ngunit anya kung ang isang persons with disability o pwd ay non manifest ang kanilang disability ay kinakailangan ng mga ito na magpakita ng pwd id nang sa gayon ay makapila sila sa priority lane at agad na makakaboto.
Dagdag pa nito na active rin ang lahat ng Comelec hotlines para maging eye opener sa mga kandidato na nagbabalak ng anumang ikakalabag sa mga regulasyon at sa omnibus election code ng Comelec.
Paalala pa nito sa mga kandidato na hanggang May 10 na lamang ang pangangampanya at mahigpit na itong ipagbaabwal sa May 11 at eleksyon.
Kaugnay pa nito ay paalala naman ng Comelec ang oras sa pagboto ng mga kabilang sa vulnerable sector gaya na lamang ng pwd, mga buntis at senior citizens na maari na silang makaboto alas singko ng umaga hanggang alas syete habang ang regular voting hours naman ay 7am hanggang 7pm.