Dagupan City – Patuloy ang pag-alalay ng Cooperative Development Authority sa mga naoobserabahan nilang non-operating cooperatives.
Ayon kay Filipina Porio – Sr. Cooperative Specialist, Registration Section nagsasagawa sila ng technical assistance para sa mga non-operating cooperatives.
Kanila itong pinapasyalan at tinutulungan upang makita kung may kakayahan pa silang mag-operate.
Ang prosesong ito ay tinatawag na DLCD o ang Disolve, Liquidation, Cancelled, at Delisted. Ang prosesong delisted ay nangangahulugang tanggal na sa listahan ang kooperatiba.
Samantala, patungkol naman sa itatalagang opisyales ng bawat kooperatiba, sa umpisa pa lang ng registration, ipinapaalam na sakanila kung paano sila dapat pumili.
Kaugnay nito ang pagsasailalim sakanila sa mandatory training bago nila makuha ang Certificate of Compliance (COC). Dito ay natatalakay ang mga patungkol sa leadership ng bawat kooperatiba.
Aniya na taon-taon dapat na magkaroon ng eleksyon ng mga opisyales sa kooperatiba upang makita ang kakayahan ng bawat miyembro dahil ito ang kadalasang problema ng mga kooperatiba.
Dagdag naman niya patungkol sa pagpaparehistro, sa loob ng isang linggo ay marerehistro na ang kanilang kooperatiba.
Kasama na rito ang proseso na kung saan sa oras na matanggap ito ng ahensya ay susuriin nila ito kung dumaan nga ba sila sa pre-registration seminar, kung mayroon nga ba silang nakolektang shared capital, kung kumpleto ba ang mga nakatalagang opisyales, at kung totong miyembro sila ng kooperatiba. (Nerissa Ventura)