Dagupan City – Nakahanda na ang mga katutubo sa bayan ng San Nicolas sa kanilang pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong buwan ng Oktubre.
Ang bayan ng San Nicolas ay mayroong humigit kumulang 5,000 mga katutubong naninirahan batay sa kani-kanilang mga Ancestral Domain sa 4 na barangay dito kung kayat mayroon silang Municipal Order no. 55 series of 2015 na sinusunod kung saan sa huling biyernes ng oktubre ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Katutubo.
Nagdedeklara ang buwan ng Octobre bilang “Buwan ng mga Pambansang Katutubong Mamamayan” bawat taon sa buong bansa alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1906 series of 2009 na nakabatay sa Republic Act No. 8371 na kilala bilang “Indigenous Peoples Rights Act” (IPRA).”
Ayon kay Felixfrey Lorenzo ang Municipal Mandarory Representative ng Indigenous People sa bayan na ito ang ika-sampung taon nilang pagselebra ng kanilang taunang kaganapan simula noong nakilala sila noong 2014 sa bayan.
Aniya na gaganapin nila ito sa Octobre 24 sa Barangay San Felipe East na pagsasamahan ng tatlong Major Tribe gaya ng Calanguya Tribe, Ibaloy Tribe at Iwak Tribe.
Magsasagawa ang mga ito ng Cultural Dance, at Ritwal na depende sa kinabibilangang tribo kung saan dito makikita ang kanilang pagkakaiba ngunit may pagkakaisa sa pagpapalawig ng kamalayan sa kanilang mayamang kultura.
Bukod dito, katuwang nila sa gawain ang lokal na pamahalaan na patuloy ang suporta sa pagtulong sa mga katutubo gaya ng medical Mission, Tree Planting at iba pa upang mabigyan ng tulong ang mga ito at mapangalagaan ang kanilang katutubong kultura. (Bombo Oliver Dacumos)