Pinaghahandaan na ng mga katutubo sa bayan ng San Nicolas ang kanilang pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong buwan ng Oktubre.
Kung saan tintayang mayroong humigit kumulang 5,000 na mga katutubong naninirahan sa nasabing bayan.
Ito ay batay sa kani-kanilang mga Ancestral Domain sa 4 na barangay kung kayat mayroon silang Municipal Order no. 55 series of 2015 na sinusunod kung saan sa huling biyernes ng oktubre ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Katutubo.
Idineklara ang nasabing buwan bilang “Buwan ng mga Pambansang Katutubong Mamamayan” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1906 series of 2009 na nakabatay sa Republic Act No. 8371 na kilala bilang “Indigenous Peoples Rights Act” (IPRA).”
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Felixfrey Lorenzo ang Municipal Mandarory Representative ng Indigenous People sa naturang bayan na ito ang ika-sampung taon nilang pagselebra ng kanilang taunang kaganapan simula noong nakilala sila taong 2014.
Aniya na gaganapin nila ito sa Oktubre 24 sa Barangay San Felipe East na pagsasamahan ng tatlong Major Tribe gaya ng Calanguya Tribe, Ibaloy Tribe at Iwak Tribe.
Magsasagawa ang mga ito ng Cultural Dance, at Ritwal na depende sa kinabibilangang tribo upang maipakita ang kanilang pagkakaiba ngunit may pagkakaisa sa pagpapalawig ng kamalayan sa kanilang mayamang kultura.
Katuwang naman nila sa gawain ang lokal na pamahalaan na patuloy ang suporta sa pagtulong sa mga katutubo gaya ng medical Mission, Tree Planting at iba pa upang mabigyan ng tulong ang mga ito at mapangalagaan ang kanilang katutubong kultura.