Dagupan City – Haharapin pa rin ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy ang mga kaso nito sa Estados Unidos sa kabila ng nagpapatuloy na proseso ng kaniyang kaso sa bansa.

Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, isang constitutional lawyer sa Pangasinan, ito ang paniguradong mangyayari dahil nasa ilalim ng extradition treaty ang Pilipinas at Amerika.

Ngunit nakadepende pa rin ito sa Department of Justice kung kailan ito ipapadala sa Amerika si Quiboloy.

--Ads--

Lilitisin muna ang mga kaso nito sa bansa bago mapunta sa Estados Unidos dahil sa mga kasong kinasasangkutan.

Dagdag pa ni Cera, maaari naman managot ang nga indibidwal na nagkubli o Obstruction of Justice sa pagkaaresto kay Pastor Quiboloy.

Ikinakasa kasi ang isang imbestigasyon sa Kamara na kung saan ang mag amang Duterte, dating President Rodrigo Duterte at VP Sara kasama na si Sen. Ronald Dela Rosa ay kapwa nagpahayag na dapat ng lisanin ng mga kapulisan ang KOJC compound ngunit kinalaunan na sumuko na rin si Quiboloy at mga kasamahan nito sa loob mismo ng compound.

Ayon kay Atty. Cera, maaari lamang gamitin lamang ang freedom of speech at hindi masasabi na isang obstruction of justice ang ginawa.