DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng halos 30% pagtaas ng kaso ng influenza-like illness ang naitala sa buong rehiyon uno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health-Center for Health Development, umaabot sa 11,620 ang kabuoang bilang ng mga kaso ng influenza.

Aniya, naitala nila ang pinakamalaking bilang para sa lalawigan ng Pangasinan kung saan umaabot ito sa 4,773 ang bilang ng mga kaso sa lalawigan habang.

--Ads--

Habang 2,552 sa La Union; 2,528 sa Ilocos Sur; at 1,356 naman sa Ilocos Norte.

Kung ikukumpara ito sa nakaraang datos noong nakaraang taon, umaabot lamang sa 8,874 lamang.

Nangangahulugan lamang ito na mas naging maluwag ang exposure ng mga tao sa naturang sakit.

Aniya, nasa 20-30 taon gulang ang may maraming naitalang kaso subalit nasa edad na 60 ang may naitatalang nasaswi dahil na rin sa kanilang mababang immunity level.

Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang kaso ng nasawi sa rehiyon dulot ng naturang sakit.

Samantala, sinabi naman ni Bobis na mas mainam na panatilihin ang naging kaugalian noong COVID-19 dahil katulad rin nito na naililipat sa pamamagitan ng pagdaan sa respiratory.

Inirerekomenda rin ng kanilang sektor sa pangkalusugan na magpabakuna kontra influenza para magkaroon ng malakas na proteksyon.

Sa kaugnayan naman aa COVID-19, hindi na ito mawawala sa bansa subalit hindi na gaano nagkakaroon ng pagtaas sa mga kaso.

Kaya mahalaga na palatandaan ang pamamaraan kung paano ito maiwasan partikular na sa minimun health standard.

Bagaman kabilang na ito sa monitoring ng mga nasa kategorya ng pan-respiratory virus kaya kasama na nito ang mga influeza-like illness sa kanilang binabantayan at hindi na bilang iisang sakit lamang.