Handang handa na ang mga kapulisan sa buong lalawigan ng Pangasinan sa pagpapatupad ng mas istriktong mga panuntunan kaugnay sa pagsasailalim sa probinsya sa General Community Quaratine o GCQ with hightened restriction mula ngayong araw at magtatapos ng September 30.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay police major Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office( PPO), sinabi nito na nakahanda na ang mga hepe sa ibat ibang bayan sa pagpapatupad ng mga alintunin.
Sa ilalim ng GCQ, pinapayuhan ang mga tao na manatili lamang sa bahay kung wala namang mahalagang pupuntahan. Requirement pa rin ang pagsususot ng face mask at face shield at kailangan na i obserba ang physical distancing.
Kapag nahuli sa unang pagkakataon ay wawarningan sila pero sa ikalawang pagkakataon na umulit sa paglabag ay maaari na silang kasuhan.
Ipapatupad pa rin niya ang province wide curfew mula alas 8 ng gabi hanggang ala 4 ng umaga.
Tiniyak naman niya na tuloy pa rin ang kanilang police operation.