Epektibo ang naging deployment ng mga kapulisan sa Mangaldan PNP kaugnay sa kanilang pagbabantay para sa mga bibisita sa sementeryo ngayong nalalapit na Undas

Ayon kay Police major Gilbert Ferrer , ang OIC ng Mangaldan PNP, nakafull alert ang kanilang himpilan kung saan lahat ay nakaduty at tuloy tuloy ang kanilang deployment mula pa noong October
23 hanggang November 5

Ang kagandahan din umano dito ang limang pribado at pampublikong sementeryo sa bayan ay nasa iisang lugar lamang kayat iisa lang ang kanilang entrance na kanilang binibigyang seguridad

--Ads--

Kanilang sinunod din ang clustering sa mga barangay sa bayan dahilan kung bakit maluwag ang sementeryo at maging traffic situation sa bayan

Police major Gilbert Ferrer, OIC Mangaldan PNP

Ipapasara naman ang mga sementeryo mula October 30 hanggang November 2 at muling bubuksan ito sa publiko.

Nagpaalala naman ang naturang opisyal sa publiko na makikoordina sa barangay officials at bukod sa pagsunod sa schedule ay huwang ding magdala ng deadly weapon, alak at maiingay na stereo