Nasa full alert status na ang kapulisan ng Dasol sa lalawigan ng Pangasinan ukol sa nalalapit na halalan.

Ayon sa naging panayam kay PCpt. Simeon Dela Cruz , officer in charge ng Dasol municipal Police Station, maigting ang kanilang ginagawang pagbabantay sa kanilang lugar lalong lalo na sa mga voting precint dahil naroon na rin ang mga automated counting machine o acm at iba pang mga election paraphernalia para sa halalan.

Anya na nanatiling mapayapa at maayos ang kanilang bayan patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Comelec Office ng bayan upang masiguro ang mga pangangailangan pagdating sa kanilang tanggapan, upang matiyak na magiging ligtas at walang maitatalang anumang problema sa election.

--Ads--

Bukod dito simula nang maipatupad ang Comelec gun ban at checkpoint ay wala pang naitatala na sumuway dito.

Aniya na wala ring mainit na political rivalry sa kanilang bayan at patuloy ang kanilang monitoring sa mga ito.

Panawagan nito sa kanyang mga kababayan na patuloy lamang sumunod sa mga alituntunin na kanilang ipinapatupad at maari naman sa kanilang makipag-ugnayan kung mayroon naman silang mga nappansin na kakaiba.

Dahil nakastandby at nakaalerto ang kanilang mga personnel na nakatalaga sa mga lugar sa bayan. Gyaundin ang pagboto at pagpili ng karapat dapat na ihahalal sa kanilang lugar.