DAGUPAN CITY- Buong naghahanda na ang ang mga kandidato ng Mr. Pangasinan.
Ayon kay SyrelleLance Medina ng Malasiqui, gusto niyang ipakita ang kaniyang buong potensyal bilang isa sa mga kalahok at maibahagi ito sa komunidad.
Bagaman ito ang unang beses niyang sumali sa pageantry, masaya naman ito sa kaniyang journey dahil sa marami itong natututunan at nabubuong pagkakaibigan.
Hindi naman ito ang unang pagkakatoan ni Jay Carlo Cerezo ng Naguilayan, Binmaley ngunit unang beses para sa pageant na gaganapin sa labas ng kaniyang bayan.
Iba naman ang karanasan ni Panganiban ng Mayombo, Dagupan City dahil sa wala siyang karanasan sa naturang pageantry at isa rin siyang independent candidate.
Labis naman sila nagpapasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanila.
Kanilang hiling na magpatuloy ang mga ito at ang pagsuporta na rin sa platform ng Mr. Pangasinan.
Katulad ni Patrick Paul Bautista ng Balaoen, Urdaneta City, “looking forward” siya sa pagsiklab pa ng kaniyang adbokasiya hinggil sa pagiging lider.
At nais niyang ipakita na ang pageantry ay hindi lamang patungkol sa pisikal na kagandahan kundi, pagpapakita ng isang kandidato sa kaniyang nilalaman.










