BOMBO DAGUPAN -Maayos na nairaos ang pagbubukas ng klase sa lungsod ng Alaminos.
Ayon kay Noreen Barber, guro sa Alaminos City, mas nadagdagan ang kanilang workload ngayon dahil sa pagpasok ng Matatag curriculum, pero naniniwala siyang makakasanayan din nila ang mga pagbabago.
Sinabi niya na mahirap man sa umpisa ay kakayanin nila dahil sa kanilang dedikasyon.
Samantala, malaking hamon sa mga guro ang mga hyperactive na mga bata.
Pero para kay Barbers, ang mga guro ngayon ay hindi lang mga ordinary educators kundi mga psychologist.
Ang kailangan lang aniya ay tiyaga , may matinding pinaghahawakan at didikasyon sa ginagawa.
Kung hindi aniya ilalagay ang puso ang trabaho ay tiyak marami ang susuko.
Katunayan, marami umano ang nag early retirement dahil hindi na sila masaya sa kanilang ginagawa .
Inilunsad ng Department of Education (DEPED) ang MATATAG Curriculum sa pagnanais na i-decongest ang kasalukuyang K to 12 Curriculum.
Bukod sa pagbabawas ng bilang ng mga kasanayan sa pag-aaral, maging sa pag-pokus sa literasiya, numeracy, at soco-emotional skills mula kindergarten hanggang Grade 3, ang bagong kurikulum ay magpapaigting ng pagbuo ng kagandahang asal at character development sa mga mag-aaral alinsunod sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) at Values Education Act, pati na rin ang pagtalima sa 21st Century Skills.