DAGUPAN CITY– Nakatakda ng gawing digital ang lahat ng mga kagamitan at pasilidad ng PAGASA sa darating na taong 2020.

Ayon kay Engr. Jose Joe Estrada, Chief ng DOST PAGASA Weather Office dito sa lungsod ng Dagupan, kinakailangan ng gawing upgraded ang kanilang mga pasilidad dahil ipinagbabawal na din ang mercurial kung kayat pagdating ng taong 2020, puro digital na ang kanilang mga kagamitan.

Sa pamamagitan nito, mas magiging mabilis ang proseso ng kanilang obserbasyon sa mga nilalang sa kalawakan, pagtukoy ng temperatura at bagsak ng ulan.

--Ads--

Samantala, iginiit naman ni Estrada na wala silang pagkukulang pagdating sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko dahil bago pa man mag bente kwarto oras ay mayroon na silang forecast.

Pagdating aniya sa usapin ng deklarasyon ng kanselasyon ng klase sa mga paaralan, nakasalalay na ito sa Local Government Unit o LGU’s ng bawat bayan at siyudad.

Ang tanging obligasyon lamang nila ay magbigay ng weather forecast lalo na kung may mga binabantayang sama ng panahon.

Sa ngayon, inaasahang 4 na bagyo ang papasok sa ating bansa ngayong buwan lamang ng Agosto ngunit dahil 2 na ang nakapasok, may 2 bagyo na lang ang inaasahang papasok sa Philippine area of Responsibility.