“Bigyang prayoridad at itaas na ang sahod ng mga healthworkers.”
Ito ang naging pahayag ng Presidente ng Alliance of Health Workers na si Robert Mendoza sa magiging susunod na administrasyon ni Presumptive President BongBong Marcos Jr.
Aniya, sana ay bigyang pansin na ang pagtataas ng sahod ng mga healthworkers dahil masyado na silang napag iiwanan lalo na sa panahon ngayon na kahit nagluwag na sa mga health protocols ay tuloy tuloy parin naman ang kanilang pagtratrabaho na tumutugon sa mga pasyente.
Saad pa niya, sana ay maging transparent pagdating sa budget na nakalaan para sa pangkalusugan at kung ano ang rekomendasyon ng World Health Organization ipatupad at nararapat din na doblehin lalo nasa pandemic pa ang bansa.
Nais din nila na pagtuunan ng pansin at pag-aralang mabuti na magkaroon ng progressive at comprehensive healthcare system sa ating bansa.
Samantala dagdag ni Mendoza, kung sakali man na magkaroon ng pagpapalit ng bagong kalihim ng DOH sa susunod na administrasyon ay bukas sila dito at payo nila na sana ay italaga ang may kakayahan, kaalaman, karanasan sa pagiging isang healthworker at talagang eksperto sa lahat ng aspeto ng kagawaran ng kalusugan.