Hinihikayat ng Department of Labor and Employment o DOLE Region I ang mga job seekers dito sa rehiyong uno na makibahagi sa isasagawa nilang Jobs fair kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day sa June 12.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Justin Paul Marbella Public Information Officer ng DOLE Region I na tulad ng nakalipas na job fair noong Mayo 1 ay magkakaroon din sila ng tatlong venue kung saan isasagawa ang Job fair kasabay ng paggunita sa Araw ng kalayaan na gagawin sa Alaminos City Pangasinan, Tagudin Ilocos Sur at San Nicolas Ilocos Norte.

Dito ay libo-libo ring mga job oppurtunities ang naghihintay sa mga job seekers mapa local man o internasyunal.

--Ads--

Karamihan sa mga kumpanyang ito ay mula BPO, services, sales, retail, production at iba pa.

Layunin umano nito na matulungan ang mga naghahanap ng trabaho kung saan marami silang mapagpipilian.

Pinayuhan din nito ang mga job seekers na maging handa sa pagpunta sa mga nabanggit na venue, magdala ng maraming resume, maging presentable at galingan sa mga interviews upang matanggap sa trabaho.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman nito ang Bombo Radyo Dagupan sa pagiging katuwang sa pagpapaabot sa publiko ng mga programa at aktibidad ng kanilang tanggapan sa publiko.