Nakiisa ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong Junior High School at Senior High School sa bayan ng Calasiao sa ginanap na pagdiriwang ng Safer Internet Day, na naglalayong palakasin ang kamalayan at pagkilos laban sa mga banta sa online na mundo.
Sentro ng forum ang pagpapataas ng kaalaman ng kabataan hinggil sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials, na patuloy na nagiging hamon sa digital na panahon.
Tinalakay rin sa programa ang isyu ng cyberbullying at ang kahalagahan ng responsable at ligtas na paggamit ng internet, lalo na sa hanay ng mga kabataan na aktibo sa social media at iba pang online platforms.
Binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang papel ng bawat estudyante bilang tagapagtaguyod ng digital safety sa kanilang paaralan at komunidad.
Hinikayat ang mga kalahok na maging mapanuri, maingat, at may paninindigan sa paggamit ng teknolohiya upang maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso at pananamantala online.
Naging makabuluhan ang hakbang ng forum at mas pinaigting ang pagkilos ng kabataan tungo sa isang mas ligtas at responsableng digital na komunidad.










