BOMBO DAGUPAN – “Umaasa kami na magigising na ang gobyerno na patuloy na isinasawalang bahala ang mga isyu sa karapatan ng mga manggagawa.”
Yan ang ibinahagi ni Josua Mata, Secretary General, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO) sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya.
Aniya na ang Pililpinas ay muli na namang nirereview ng International Labour Conference (ILO) para sa mga violations ugnay parin sa karapatan ng mga manggagawa. Marahil isang taon na ang nakakaraan ng imbestigahan ng ILO ang ating bansa ngunit sa lahat ng kanilang mga rekomendasyon ay wala paring na-implementa ng maayos.
Dagdag pa niya na naniniwala ang ILO na ang bawat manggagawa sa mundo dapat ay may karapatan para sa collective bargaining o pagwewelga dahil kapag sila ay mas organisado ay mas kaya nilang protektahan ang kanilang karapatan at interes.
Kaugnay nito ay hindi din mawawala ang pag-aalala sa kanila dahil nasa 72 trade union leaders na ang napaslang sa bansa ngunit ni isa ay hindi parin nabibigyan ng hustisya hanggang sa ngayon.
Samantala, sa panawagan naman na pagbibitiw ni Secretary of Department of Labor and Employment (DOLE) Bienvenido
Laguesma sang-ayon siya na panahon na para magkaroon ng secretary na handang magtrabaho para sa labor movements gayundin ang mas may kakayahang gumawa ng kanyang responsibilidad.
Patuloy naman ang kanilang pagkilos at pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad upang iparinig ang kanilang mga boses at panawagan lalong lalo na sa panukalang dagdag sahod.