DAGUPAN CITY- Payapa at sestimatiko ang nagiging takbo ng mga isinasagawang kilos protesta ng mga Pilipinong nasa The Netherlands upang ipakita ang pagtuligsa at pagsuporta sa dating Pangulong Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome H. Divino, Bombo International News Correspondent sa bansang The Netherlands, maraming Pilipino ang sumusuporta sa kaniya.
Aniya, dahil sa iba’t-ibang opinyon at pananaw ay naghahalo-halo na an ilan sa mga impormasyon.
Marami ring mga lumalabas na mga balita ukol sa dating Pangulo at isa itong hudyat ng ilan sa mga espekulasyon.
Maganda rin aniya ang mga pasilidad ng ICC kung kaya’t nasa maayos naman ang kalagayan ng dating Pangulo at walang dapat na ipag-alala.
Taliwas sa nakasanayang mga prison facility, kumpleto sa gamit ang nasabing lugar ngunit doble rin ang higpit ukol sa seguridad.
Samantala, mapayapa rin ang mga isinasagawang kilos protesta sa The Netherlands kumpara sa mga isinasagawa noon sa Pilipinas na may mga nangyayaring sakitan.
Tuloy-tuloy din ang mga balita at update sa nasabing bansa ukol sa kaso ng dating Pangulo.