Ligtas sa red tide toxin at ligas kainin ng mga tao ang lahat na uri ng isda kasama ang alamang na galing sa coastal waters ng Alaminos city at mga bayan ng Bani, Bolinao, Anda at Sual, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay alinsunod sa shellfish bulletin no. 22 at no. 23 series of 2020 na inisyu ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources O BFAR.

Blang perecautionatry mseasure, ang mga LGUs ay magsagawa pa rin ng market inspection.

--Ads--

Inaatasan ang mga quarantine officers o administrator na hanapan ang mga negosyante ng auxilliary invoice na inisyu ng LGU mula sa point of origin o local transport permit na inisyu ng BFAR para sa lahat ng uri ng isda o fishery products kabilang ang seaweeds at sea shells na dinadala sa mga tindahan upang matiyak na hindi galing sa mga lugar na positibo sa paralytic shellfish poisoning o PSP.