DAGUPAN CITY- Simple at payak lamang ang pagsalubong ng bagong-taon sa bansang Oman kung saan ang mga mamamayan roon ay nagkakaroon ng simpleng salu-salo kasama ng ilang mga espesyal na tao sa buhay.


Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubella Formantera, Bombo International News Correspondent sa bansang Oman, ibang-iba ang pamamaraan ng pamamaraan ng mga mamamayan sa Oman pagdating sa pagseselebra ng bagong taon kung saan hindi ganoon kasigla ang mga tao roon pagdating sa paghahanda ng mga pagkain.


Aniya, nagkakaroon lang ng mga maililiit na salu-salo depende sa mga makakasama.

--Ads--

Mga kaibigan din umano ang madalas na kasama ng mga Pinoy tuwing nagkakaroon ng handaan.


Ibang-iba rin aniya ang pakiramdam ng pagsalubong ng bagong taon kasama ng pamilya sa Pilipinas dahil mararamdaman mo ang saya at pag-ibig na kasama ang mga taong mahal mo sa buhay.


Hindi rin niya maiwasang ikumpara ang Oman at Pilipinas pagdating sa mga tradisyon at gawi upang masayang maipagdiwang ang pagpasok ng panibagong taon.