DAGUPAN, CITY— Mas dumarami pa ang mga indibidwal sa iba’t ibang sektor ng mamamayan sa Myanmar ang nakilahok sa Civil Disobedience Movement upang ipakita ang kanilang pagkondena sa nangyaring military take-over sa kanilang bansa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Atty. Jobert Pahilga, mula sa nasabing bansa, kanyang sinabi na maliban sa mga manggagawang mula sa gobyerno, at maging sa mga ospital ay sunod na ring lumahok sa naturang campaign ang mga eskwelahan, at karamihan na rin sa mga mangagawa sa naturang bansa.
Ang ilan din naman umano sa mga pumapasok sa kanilang trabaho ang nagtatali ng pulang tela bilang pagpapakita ng kanilang hindi pagpabor sa ginawang hakbang na ito ng kanilang sandatahang batas.
May ilan din dito ay gumagawa ng noise garage para itaboy ang evil spirit sa kanilang lugar at inihahalintulad umano nila ito sa mga militar doon.
Bagaman pansamantala umanong binan ang facebok sa kanilang bansa, ay nagda-download na lamang umano sila ng ibang social media applications upang makapag-usap umano sila patungkol sa kanilang ginagawang hakbang.
Dagdag pa ni Atty. Pahilga, nasa 83% ng mga mamamayan doon ang sumusuporta kay civilian leader Aung San Suu Kyi.