DAGUPAN CITY- Mahigpit na binabantayan ng Ban Toxics at ang Food and Drugs Administration (FDA) lipstick na may delekadong kemikal na binebenta ng mga street vendors sa mga beauty shops.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Campaigner ng Ban Toxics, taon 2013 pa nang maglabas ng abiso ang FDA hinggil sa mga produktong ito dahil sa taglay nitong kemikal na ikapapahamak ng gagamit nito.

Aniya, sa kanilang paglilibot sa divisoria ng Metro Manila ay kapansin-pansin sa mga ito ang kakulangan ng label kung saan dapat makikita ang mga ingredients nito.

--Ads--

Sa kanila pang-pagsisiyasat ay ilan sa mga manufucturer ng mga nasabing produkto ay mula sa ibang bansa.

Kanila naman kinukumpiska ito at magpapadala ng report sa FDA upang mas mabigyan pa ng pansin ang pagtuligsa sa mga ito.

Maliban pa riyan, kanila rin umanong binabantayan ang mga skin-whitening products at iba pang mga cosmetic products dahil patuloy pa rin ang mga pagtitinda ng mga kaugnay na produkto na hindi naman tiyak kung saan nanggaling.

Ipinapanawagan naman niya sa masa na iwasan tangkilikin ang mga ganitong produkto kahit gaano pa kababa ang presyo nito.

Upang makaiwas, ugaliin na basahin ang label ng mga produkto.

Hindi dapat masilaw sa mababang presyo at sa kulay nito dahil maaaring magdulot ito ng kamapahamakan sa kalusugan ng gagamit.

Mas mainam na bumili na lamang sa mga pinagkakatiwalaang nagbebenta ng ganitong produkto.

Dagdag pa niya, maaaring managot sa bisa ng Consumer Protection Act at Food and Drug Administration Act ang mga mahuhuling magbenta ng mga nasabing klase ng produkto.