Pupulongin ng Pangasinan Provincial government   ang mga hog traders at hog raisers  dahil sa isyu ng African Swine Fever o ASF.

Noong Martes, ideneklara ni Pangasinan governor Amado Espino III ang temporary ban sa mga  ipinapasok na baboy sa Pangasinan.

Hinigpitan ang  mga quarantine checkpoint sa mga entry at exit point ng probinsya.

--Ads--

Nangangamba ang ilang hog raisers sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa banta ng ASF.

Bagamat hindi apektado ang kanilang mga alaga ay may mga agam agam sila na posibleng maapektuhan ang mga ito.