Dagupan City – Matagumpay na idinaos ng Provincial DOH Office – Pangasinan ang pagdiriwang ng 2025 Health Workers’ Day noong nakaraang Agosto 27, 2025, sa Pangasinan Training and Development Center II.

Mahigit 300 manggagawa sa kalusugan, kabilang ang Human Resources for Health (HRH) at Barangay Health Workers (BHWs), mula sa buong probinsya ang nakilahok sa nasabing pagdiriwang

Bahagi ng programa ang pagbibigay parangal sa katatagan at dedikasyon ng mga health frontliner sa probinsya, Samantala binibigyang-diin ang holistic wellness at may mga sesyon tungkol sa mental health mula sa Dagupan Treatment and Rehabilitation Center (TRC), financial literacy mula sa isang MDRT financial consultant, at spiritual reflections mula sa isang lokal na pastor

--Ads--

Bukod dito ay masayang nakibahagi ang mga kalahok sa iba’t ibang aktibidad.