Hindi umano nagseselbra ang mga Hapon ng pasko at itinuturing lamang nila itong isang ordinaryong araw.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Amie Chan, Bombo International Correpondent mula sa bansang Japan, walang kanselasyon ng pasok sa trabaho ang araw na iyon hindi tulad ng ibang mga bansa na mayroong kakayahan ang mga empleyado na hindi pumasok upang makasama ang pamilya.

Dagdag nito, mayroong mga mangilan-ilang mga establisyemento sa bansang Japan kung saan naglalagay ng dekorasyong pamasko ngunit nakadepende sa lugar kung saang lugar ka naroroon.

--Ads--

Hindi rin umano masyadong magsasagawa ng carolings at exchange gift ang mga hapon maliban na lamang kung ang mga taga roon ay mga Pilipino.

Aniya, mas isiseselebra nila ang pagsapit ng bagong taon kung saan nakasanayan na ng mga Japanese na pumunta sa mga shrines.