DAGUPAN CITY- Patuloy ang pagtitiyak ng mga kapulisan ng Bolinao sa pagsunod ng mga residente sa kanilang bayan sa pagsusuot ng refelctorized vest at materials tuwing alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Ayon kay PLt.Col. Radino Belly, Chief of Police ng Bolinao PNP, lagi nilang pinagsasabihan at pinaalalahan ang mga motorista at siklista na magsuot nito.

Pinagsasabihan at warning pa lamang ang kanilang ginagawa sa mga hindi pa sumusunod subalit kung nagpatuloy ito, papatawan na din aniya nila ng penalty.

--Ads--

Kaugnay nito, sa unang linggo ay marami pa ang nag-aadjust sa ordinansa at kung ikukumpara sa kasalukuyan, nagiging epektibo na ang pagpapatupad nito.

Nagpaalala naman si PLt.Col. Belly na patuloy lang ang pagsunod sa Provincial ordinannce dahil malaking tulong ito upang makaiwas at makabawas sa mga naitatalang aksidente sa daan.

Maliban diyan, nagpaalala din siya sa maayos na pagmamaneho para sa mga drayber. Panatiliin ang maingat at protektadong pagmamaneho. At kung nakainom naman ay mabuting huwag nang magmaneho.