DAGUPAN CITY- Sinamantala na rin ng ilang mga residente sa syudad ng Dagupan na magnegosyo sa sementeryo tuwing araw ng undas.

‎Isa sa kanila si Cherwin Doot, na taon-taon ay nag-aalok ng serbisyo sa pagpipintura ng mga nitso.

Ayon sa kanya, sapat na sa kanila ang anumang halaga na ibinibigay ng mga nagpapapintura.

--Ads--

Sa kabila ng matinding init ng panahon, patuloy silang nagtatrabaho upang makapaghanapbuhay para sa kanilang pamilya.

‎Samantala, si Roger Alcayaga naman ay isa sa mga nagtitinda ng kandila sa paligid ng sementeryo.

Katulad ng mga nagdaang taon, mas maaga silang nagsimulang magtinda upang makasabay sa dagsa ng mga bumibisita.

Mas abot-kaya na rin ang presyo ng kanilang mga paninda upang mas maraming mamimili ang makabili.

‎Inaasahan ng mga tulad ni Cherwin at Roger na may mga bibisita pa sa mga sementeryo sa mga susunod na araw, kaya’t magpapatuloy sila sa kanilang hanapbuhay hangga’t may bumibili at nagpapagawa.