Dagupan City – Alam mo ba? Ang mga halaman ay “nakakarinig” ng tunog!

Mga kabombo! Akala natin, ang mga halaman ay tahimik at walang pakialam sa paligid. Pero ayon sa isang pag-aaral mula sa Tel Aviv University, nakakarinig pala ang mga halaman ng tunog—at tumutugon pa sila rito!

Ayon sa mga scientist, kapag naririnig ng halaman ang tunog ng dumadaang insekto gaya ng pukyutan, naglalabas ito ng extra sweet nectar para maakit ang pollinators. Ibig sabihin, aware ang halaman sa tunog sa paligid nila.

--Ads--

Gamit ang high-tech sound equipment, napag-alaman na ang ilang species ng bulaklak ay may “mga bahagi” na parang tenga na kumukuha ng vibrations mula sa hangin.

Sabi ni Dr. Lilach Hadany, “Ang mga halaman ay hindi bingi. May kakayahan silang tumugon sa tunog sa kanilang kapaligiran bilang survival mechanism.”

Mga kabombo, mukhang hindi lang tao o hayop ang may pakiramdam—pati pala halaman! Kaya’t kung mahilig kang magpatugtog sa tabi ng iyong mga tanim, baka mas lumago pa sila!