DAGUPAN CITY- Patuloy pa rin ang pagtutok ng mga awtoridad upang masiguro ang maayos na halalan sa darating na Mayo.

Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Supervisor sa lalawigan ng bansa, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang programa ng Commission on Elections kasama ng mga kapulisan sa nasabing lalawigan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan para sa nalalapit na halalan.

Aniya, isinasagawa na rin sa kasalukuyan ilang mga kakbang upang magbigay kaalaman sa mga botante.

--Ads--

Dagdag niya, tuloy pa rin isinasagawang pagbabaklas sa mga campaign materials na nakasabit sa mga unauthorized na lugar.

Nagpaalala naman ang opisyal sa mga bawal na gawin upang mapanatili ang kapayapaan sa buong lalawigan.